Ibinida ni "Face 2 Face" host Karla Estrada ang outfit ng anak na si Daniel Padilla na suot-suot nito noong dumalo sa kasal ng kaibigang si Robi Domingo sa fiancee nitong si Maiqui Pineda.

Bukod sa outfit ay pinag-usapan nang malala ang bagong haircut ni Daniel, na ayon sa mga tagahanga nito ay talaga namang bagay na bagay sa kaniya at mukhang ang bango-bango niya tingnan.

"Eeeeyyyy napaka Angas! Outfit check par! 😁" ani Karla sa kaniyang Facebook post.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Agree naman ang mga netizen sa "angas" look ni Deej.

"Angas talaga. Bumagay pa ang haircut."

"Angas naman talaga, Kween Mother!"

"Bagay ang gupit lalong gumwapo... Ang bango bango tingnan."

"love you both... magalang at mabait si dj, at si karla matulungin at mabait din kaya huwag kayo masyadong judgemental sa tao kung hindi nyo sila kilala at nakasama. God bless & spread love."

"Gwapo nyo poh talaga nag iisang daniel padilla."

"handsome as always!"

Sa kabilang banda, dahil sa mga isyung kinasasangkutan ngayon ng anak patungkol pa rin sa naging hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo ay hindi pa rin maiwasang mapaulanan ng panlalait ang anak.

May ilang tinawag pa ang suot ni DJ na "cheater's outfit."

"This man right here has a mother, but can't treat a woman right."

"Ay cheater outfit po ba tawag diyan ooppsss..."

"y remember what you did last summer #outfit cheat👌 gar🤭."

"Outfit check o baka outfit cheat char..."

"Outfit cheat par"

"Mas gwapo sana kung loyal to"

Muling umingay ang isyu dahil sa balitang pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel sa Instagram.

MAKI-BALITA: Moving forward na talaga! Kath, inunfollow na si Deej

Bukod dito, inunfollow rin niya sina Liza Soberano, Gillian Vicencio, at Julia Barretto.

MAKI-BALITA: Anong isyu? Kathryn, inunfollow sina Liza, Gillian, at Julia

Pagkatapos, tila may cryptic post naman ang kapatid ni Kathryn na si Kaye Bernardo patungkol sa "We know hat you did last summer."

MAKI-BALITA: Pasabog ng sis ni Kathryn, pagsisiwalat sa ‘kataksilan’ ni Daniel?

Samantala, hindi naman na sumagot si Karla sa mga pasaring ng netizens sa comment section ng post niya.