Sumalang si Primera Kontrabida Gladys Reyes sa latest vlog ni Diamond Star Maricel Soriano nitong Sabado, Enero 13.

Sa isang bahagi ng vlog, ibinuking ni Gladys ang tungkol sa katangian ng kapuwa niya artistang si Judy Ann Santos.

“Kumusta naman ka-work si Juday…noong time na ‘yon?” tanong ni Maricel.

“Lagi kong sinasabi, Nay, hindi kami ‘yong nag-click agad sa totoo lang. Kasi, Nay, si Judy Ann baligtad na baligtad ‘yong personality namin. Si Judy Ann is a very quiet,” sagot ni Gladys.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Gusto no’n laging natutulog. Kasi, Nay, child star din ‘yan parang laging puyat. Hindi niya masyadong nae-enjoy na nakikipagchikahan. Ako naman, chika dito, chika sa crew, chika sa staff,” aniya.

Dagdag pa niya: “So, ako naman parang that time, ‘parang ayaw naman akong kausap ni Judy Ann’. Kasi laging tulog.”

Haka ni Gladys, iyon daw siguro ang dahilan kung bakit napagkakamalang suplada si Judy Ann noon. Kapag daw kasi may mga out of town show sila, lagi lang daw nasa van si Judy. Bababa lang sa sasakyan kapag isasalang na sa show.

Pero kalaunan, naging close din naman si Gladys at Judy Ann noong magkasama sila sa acting workshop para sa gagampanan nilang pelikulang “Sana Naman” (1996) ni Boots Plata.

Matatandaang unang nagkasama ang dalawa sa “Mara Clara” noong 1992 na isa sa mga itinuturing na pinakamahabang teleserye sa bansa.