Hinuli ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang miyembro ng sindikato matapos mahulihan ng ₱6.8 milyong halaga ng ilegal na droga sa Imelda, Zamboanga Sibugay kamakailan.

 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa after operation report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakilala ang suspek na si Ben Nadjar, 46, may-asawa, taga-Sitio Kapok, Barangay Sawa, Mabuhay, Zamboanga Sibugay.

Nakatakas ang kasabwat nitong nakilala sa alyas "Hadz"sa ikinasang operasyon sa Purok Rizal, Brgy. Poblacion, nitong Enero 10 ng umaga.

Isinagawa ang operasyon sa tulong ng pulisya at militar, ayon sa PDEA.

Tinatayang aabot sa 1,000 gramo ng illegal drugs ang nakumpiska sa suspek na nasa kustodiya na ng PDEA.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang suspek, dagdag pa ng PDEA.