Walang basehan upang itaas sa ₱50 ang minimum na pasahe sa jeep sa gitna ng implementasyon ng public utility vehicle modernization program (PUVMP).

Ito ang paglilinaw ni Office of Transportation Cooperatives (OTC) Chairman Andy Ortega sa panayam sa radyo nitong Linggo at sinabing sa nakaraang anim na taon, tumaas lamang ng hanggang ₱13 (mula sa ₱9) ang pasahe sa tradisyunal na jeep at mula ₱11 hanggang ₱15 naman sa modernong jeep.

“Sa mga nagsasabing aangat ng ₱30, ₱40, ₱50, I think let us all be sensitive sa sitwasyon. This is a very hot issue, napaka-kontrobersyal ng ganong pananalita. I think it’s just right that we do not give statements na walang basehan at nakasasama. Wala kaming nakikitang basehan na after five years, magiging ₱50. That is unfair. Walang basis,” ani Ortega.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Nauna nang binalaan ng commuters' group na PARA-Advocates for Inclusive Transport ang publiko dahil sa nakaambang ₱50 minimum na pasahe dahil mabigat na gastusin sa mga operator at driver ang implementasyon ng PUVMP.

Binigyang-diin ni PARA-AIT Convenor Edrich Samonte, malaki ang magagastos sa modernisasyon, kasama na ang pagkuha ng unit, garahe, bayad sa paggawa ng coop, pagha-hire ng mekaniko at iba pa.

Minaliit naman ito ng Department of Transportation (DOTr) na nagsabing kailangan munang dumaan ito sa proseso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago ipatupad.