Walang mapapaalis na pamilya sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) housing program ng pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Sa pagpupulong naman ng Metro Manila Council, tutukuyin ng mga government agency ang mga lupaing magsisilbing "staging areas" o pansamantalang tirahan ng mga informal settler sa loob ng dalawang taon habang itinatayo ang pabahay.

Kamakailan ay inanunsyo ng gobyerno na magpapatayo sila ng mahigit 170,000 housing units sa Metro Manila.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Ang buwanang bayad ng mga informal settler ay aabot sa ₱5,000 bawat unit.

Nauna nang nanawagan ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa pamahalaan na magtakda ng pagpupulong, kasama ang kanilang hanay, upang matalakay nang husto ang usapin.

Nangangamba rin ang grupo na mapaalis ang mga maralita sakaling hindi makabayad sa tinutuluyang pabahay.

Hiniling din ng grupo na gawing on-site ang relocation upang hindi maapektuhan ang kanilang hanapbuhay at pag-aaral ng mga anak ng mga ito.