Nabulabog na naman ang social media kaugnay ng hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa mga cryptic post ng kapatid ng una na si Kaye Bernardo.

Nangyari ang pagbabahagi ng makahulugang post nang i-unfollow ni Kathryn ang Instagram account ng ex-boyfriend na si Daniel Padilla noong Enero 11, at gayundin sa mga kapwa aktres na sina Liza Soberano at Julia Barretto.

Mababasa sa cryptic post ni Kaye, "WE KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER."

Makikita naman dito ang larawan ng isang maskara. May background music ito na "Say My Name" ng American female group na Destiny's Child.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ibaba nito ay makikita ang iba't ibang mga taon na hindi naman tinukoy kung ano.

"(2017, 2018, 2019, 2021, 2023) - [claps, trophy, at masks emojis] and the very first one that I know (2014). [eyes emoji]"

Photo courtesy: Kaye Bernardo (IG)

Bagama't hindi malinaw kung sino ang pinatutungkulan nito, espekulasyon ng mga netizen ay pagsisiwalat ito sa "cheating" daw ni Daniel sa kapatid.

Isa pa, ang salitang "Summer" ay associated na rin kay Daniel dahil sa alaga nitong aso, na aniya ay kilala niyang loyal sa kaniya, sagot niya sa tanong sa kanila ni Kathryn sa finale media conference ng "2 Good 2 Be True" na huling serye nila kasama ang namayapang si Ronaldo Valdez.

Hindi ito ang unang beses na nagpakawala ng cryptic post ang kapatid ni Kaye. Sa kaputukan ng hiwalayan ay nag-post na rin ito ng patungkol sa "karma."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Kathryn at Daniel tungkol sa isyu.