Namroblema rin daw ang mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa sa kanilang anak na si Donny Pangilinan sa kabila ng role model image nito.

Sa latest episode ng Marites University nitong Biyernes, Enero 12, itsinika ng host na si Rose Garcia ang tungkol sa bagay na ito.

“Tinanong ko si Anthony Pangilinan and si Maricel Laxa kung may time ba na namroblema rin sila kay Donny pagdating sa mga online games; kung naadik din ba si Donny katulad ng ibang kabataan? True enough,” kuwento ni Rose.

Sa katunayan, kumakain na raw ang pamilya ay hindi pa rin maawat si Donny. At dahil nga raw karamihan sa mga games ngayon ay hindi na ma-pause, tinatawagan daw ni Maricel ang anak para lang matigil sa paglalaro ang anak.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“Tinatawagan daw niya sa phone. ‘Pag tinawagan niya sa phone, namamatay na ang Mobile [Legends],” ani Rose.

Dagdag pa niya: “Tinanong ko si Donny, anong reaksiyon mo, nagagalit ka ba pagka tinatawagan ka ng mommy? Sabi niya, ‘Naiinis po ‘no.’ Pero wala lang. So ‘yon lang, kumbaga normal na kabataan pa rin ‘tong si Donny.”

May bago kasing pagbibidahang pelikula si Donny na pinamagatang “GG” kung saan ang karakter na gagampanan niya ay isang gamer.

Sa darating na Enero 24 nakatakdang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan sa bansa.