Isang magnitude 4.7 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng madaling araw, Enero 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:04 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 85 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 3 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.