Recto, pinanumpa ni Marcos bilang DOF secretary
Pinanumpa na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Ralph Recto bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), bukod kay Recto, nanumpa rin ang bagong Special Assistant for Investment and Economic Affairs na si Secretary Frederick Go.
Pinalitan ni Recto si dating DOF Secretary Benjamin Diokno.
Binitawan ni Recto ang pagiging House Deputy Speaker sa House of Representatives.
Naka-tatlo ring termino sa Senado si Recto kung saan ito nagsilbi bilang Senate President Pro Tempore at Senate Minority Leader.
Bago nahalal bilang senador, naka-tatlo ring termino si Recto bilang kongresista ng Batangas.
Dati namang director, president at Chief Executive Officer ng Robinsons Land Corporation (RLC) si Go.
Nag-resign sa puwesto si Go nitong Disyembre 20 matapos isapubliko ni Marcos nitong Disyembre 18 na itatalaga niya ito sa nabanggit na posisyon.