Ibinahagi ng talent manager at actor na si Eric Quizon kung paano nila pinaghahatiang magkakapatid ang iniwang mana ng kanilang amang si Dolphy.

Sa latest vlog ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Huwebes, Enero 11, inusisa niya si Eric tungkol sa bagay na ito.

“Sa kabatiran ng marami ’no, 18 ang anak ni Tito Dolphy. So ’yong 18 na ba ’yon, Eric, walang nangyaring problema, wala kayong na-encounter na ’yong isa hindi sumang-ayon tapos ’di na tuloy natuloy ’yong... transaksyon?”

“Alam mo, ang maganda… halos lahat ng transaksyon naman, hindi natuloy. Ako na mismo ’yong ’Hindi, hindi natin gagawin ’to kasi hindi maganda ‘to para sa’tin.’ Then ine-explain ko naman sa kanila kung bakit. Definitely of course, labing-walo kami, so may kanya-kanyang mga idea ’yang mga ’yan,” pahayag ni Eric

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Tumatak daw kasi talaga sa isip nina Eric ang sinabi ng tatay nila bago ito namatay. Ayaw daw nitong mag-aaway-away silang magkakapatid dahil sa mana. Kaya automatic daw na kapag may problema, inaayos nila agad. Hindi na pinalalaki pa.

“Of course natural lang ’yong mayroong diskusyon na ’Bakit gano’n? Dapat mas mataas ‘yong presyo. Dapat ganito, dapat ganyan.’ But in the long run, somehow, we managed to agree on everything that is laid upon us,” ani Eric.

Dagdag pa niya: “Kumbaga pagka mayroong ibinebenta na lupa, or mayroong ka-joint venture, nilalatag ko sa bawat isa sa kanila and then for some reason naman, lahat naman nag-aagree.”

At hanggang ngayon daw, ayon kay Eric, nakakapag-provide pa rin daw si Dolphy sa kanilang magkakapatid kahit mahigit isang dekada na simula noong pumanaw ito.

Matatandaang pumanaw ang tinagruriang “Comedy King” sa edad na 83 noong Hulyo 10, 2012 matapos ang mahigit isang buwang pakikipaglaban sa sakit na dulot ng iba’t ibang komplikasyon gaya ng pulmonya at chronic obstructive disease.