Inanunsyo ng University of the Philippines (UP) na mag-ooffer na ito ng elective course na nakasentro kay singer-songwriter Taylor Swift.

Base sa isang ulat, sinabi ni Cherish Aileen Brillon, faculty member ng UP College of Mass Communication, na nakatuon ang kurso sa “conception,” “construction,” at “performance” ni Taylor bilang isang celebrity.

Tatalakayin din daw kung paano ginagamit ang public persona ng singer-singwriter para ipaliwanag ang relasyon ng tao at media sa “class, politics, gender, race, at aspirations of success and mobility.”

“There have been many courses about Taylor Swift in universities abroad, and I think there hasn’t been one in the Philippines yet,” ani Brilon. “I think it’s time for us here in the Philippines to look at her in an in-depth manner.”

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Sinabi rin ni Brilon na interesado siyang malaman at maituro kung paano itinuturing ng mga Pilipino si Taylor hindi lamang bilang isang “transnational icon,” kung bilang isang “signifier” ng umuusbong na uri ng local fandom activism.

Nakatakda raw na ituro ang elective course tungkol kay Taylor sa second semester ng academic year 2023-2024 sa ilalim ng BA Broadcast Media Arts and Studies program.

Tatawagin ang kurso na “BMAS 196 WWX - Celebrity Studies: Taylor Swift in Focus.”

Bago ang UP, tinuturo na rin ang Taylor Swift courses sa ibang unibersidad tulad ng New York University, University of Texas, Arizona State University, Stanford University, at Harvard University.