Sa pagsusuri ng BFAR, nakitaan pa rin ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga shellfish sa mga nasabing lugar.
Dahil dito, nanawagan ang BFAR sa publiko na huwag na munang kumain ng shellfish mula sa mga nabanggit na lugar.
Idinagdag pa ng ahensya na ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimango mula sa mga tinukoy na lugar basta linisin nang husto bago lutuin.