Nagtagumpay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa implementasyon nitong centenarian program noong 2023.

Katwiran ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nasa 2,444 na centenarians o kabuuang 99.15% ng taunang target ng programa ang nabiyayaan ng centenarian incentives.

Alinsunod sa probisyon ng centenarian gifts para sa mga Pinoy, ang sinuman na umabot sa edad na 100 pataas ay magiging bahagi ng Centenarian Program, alinsunod sa Republic Act No. 10868 o Centenarians Act of 2016.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Sa ilalim ng programa, ang centenarian ay bibigyan ng ₱100,000 cash incentives at Letter of Felicitation na may lagda ng Presidente ng Pilipinas kung saan nakalagay dito ang pagbati para sa kanilang mahabang buhay.

Bukod sa cash gift, magbibigay din ang DSWD ng posthumous plaque of recognition, para naman sa mga nasawing centenarian tatanggapin naman ito ng malapit niyang kaanak.