Asahan pa ang matinding epekto ng tagtuyot dahil na rin sa nararanasang El Niño sa bansa sa mga susunod na buwan.

Idinahilan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang naitala na mula 20 percent hanggang 60 percent reduction ng tubig-ulan dahil na rin sa phenomenon.

Nauna nang sinabi ng ahensya na na nasa 15 probinsya sa bansa ang maaapektuhan ng drought sa huling bahagi ng Enero.

Kabilang sa mga naturang lugar ang Nueva Ecija, Cavite, Benguet, Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Batan, Tarlac, Zambales, Pampanga at Palawan.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Sa pagtaya ng PAGASA, 27 lalawigan ang maaapektuhan ng pagtuyot sa Pebrero, 44 naman sa Marso at posibleng umabot sa 56 sa Abril.

Paliwanag pa ng PAGASA, ang tagtuyot ay tumutukoy sa mararanasang mas mababa kumpara sa normal na pag-ulan sa limang magkakasunod na buwan.