Naglabas din ng pahayag si Ogie Diaz hinggil sa monologue ng Filipino-American comedian na si Jo Koy.

Matatandaang maraming netizens ang hindi natutuwa sa mga banat o jokes ni Jo Koy sa nagdaang 2024 Golden Globe Awards kung kaya’t hanggang ngayon, Enero 9, ay trending topic pa rin siya sa X.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa isang Facebook post, sinabi ni Ogie na pinanood daw niya ang monologue ni Jo Koy at okay naman daw ito sa kaniya.

“Dahil maraming pumuna sa monologue ni Jo Koy sa nakaraang Golden Globe, andami na ring sumakay. Lalo na siyempre yung di “maarok” ang brand of comedy ni Jo Koy na may halo ring satire,” aniya nitong Martes, Enero 9.

“Pinanood ko, okay naman sa akin. Pipikunin ka lang talaga ng joke ni Jo Koy, pero dapat bang seryosohin eh joke nga yon?” dagdag pa niya.

Paliwanag pa niya, “Ang joke naman ay naghihintay ng reaksyon mo eh. Kung matatawa ka. O makokornihan ka. O mao-offend ka. At depende pa sa joker kung paninindigan niya ang mga joke niya o hihingi siya ng apology sa mga stars na na-offend kung aaminin nila.”

“Sa palagay nyo kaya, kung hindi si Jo Koy ang nag-host ng awards night, ganun pa rin kaya kaingay ang episode na yon ng Golden Globe?

“Tinapos agad nung iba ang career ni Jo Koy, ang kokorni n’yo, huh!”

Samantala, bukod kay Ogie, naglabas din ng saloobin ang TV personality na si Gretchen Ho.

“Hosts are always, always responsible for their scripts. Whether it’s your own or not, at the end of the day, it’s your face and career on the line. This was such a huge stage, and a wasted opportunity,” sey ni Gretchen.

Maki-Balita: Gretchen Ho sa pag-host ni Jo Koy: ‘A wasted opportunity’

Naiulat din ng Balita na tila nainis si multi-Grammy award-winning American singer at songwriter Taylor Swift sa binitawang biro ni Jo Koy.

Nagtanong siya sa audience kung ano raw ang pagkakaiba ng nasabing awarding ceremony sa National Football League.

“The big difference between the Golden Globes and the NFL? At the Golden Globes, we have fewer camera shots of Taylor Swift,” ani Jo Koy.

Pagkasabi nito, agad na itinututok kay Taylor Swift ang camera at makikita ang reaksiyon ng singer na tila hindi natuwa.

Maki-Balita: Taylor Swift, ‘di natuwa sa hirit na joke ni Jo Koy?