Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Lunes ng umaga, Enero 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:27 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 6 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng San Fernando, Masbate, na may lalim na 79 kilometro.

Naiulat ang Intensity IV sa City of Masbate, MASBATE.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - City of Masbate, MASBATE

Intensity III - Monreal and Batuan, MASBATE

Intensity I - Cataingan, MASBATE; City of Legazpi, ALBAY; Bulusan, SORSOGON

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.