Nagkita sina dating Vice President Leni Robredo at Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Robredo ang picture nila ni Kathryn sa kasal nina Robi at Maiqui na ginanap noong Sabado, Enero 6.

Robi Domingo at Maiqui Pineda, mag-asawa na

“So much respect and admiration for @bernardokath,” sey ng dating bise presidente.

Matatandaang ikinasal na long time partners na sina Robi at Maiqui na dinaluhan ng ilang mga kaibigan sa personal na buhay at maging sa mundo ng showbiz, kabilang na si Magandang Buhay host Melai Cantiveros, na kasama rin ni Robi sa Pinoy Big Brother at It’s Your Lucky Day. Ibinahagi ni Melai sa kaniyang Instagram story ang kuhang larawan ng mag-asawa.

Siyempre, imbitado rin ang mga boss ni Robi sa ABS-CBN gaya nina Ilan sa mga principal sponsors sa kasal nina Robi at Maiqui ay CEO at President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes at Star Magic head Direk Lauren Dyogi.

Maki-Balita: Robi Domingo at Maiqui Pineda, mag-asawa na