Inamin ni “Mallari” star JC Santos na kinabahan daw siya nang malamang nominado rin bilang  “Best Supporting Actor” ang “GomBurZa” star na si Enchong Dee noong 2023 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Sa isang episode kasi ng “Cristy Ferminute” kamakailan, isang tagasubabay ang nagkomento na sana raw ay si Enchong ang itinanghal na “Best Supporting Actor” dahil wala raw redeeming factor ang karakter ni JC sa “Mallari” na isang mamamatay-tao.

MAKI-BALITA: JC Santos nagpasalamat sa mga nagdilang-anghel

Kaya naman, hiningan ni showbiz columnist Cristy Fermin si JC ng pahayag tungkol sa bagay na ito.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Actually po, isa rin ako sa kinabahan na nominado din si Enchong Dee at deserve din niyang manalo para sa ginawa niya sa ‘GomBurZa’,” saad ni JC.

“Kasi po napakahirap ng ginawa niyang ‘yun kahit simpleng-simple lang ‘yung screen time niya,” aniya.

Dagdag pa niya: “So, I’m happy if ever na manalo rin siya.”

Samantala, masaya rin daw si JC sa naibigay na oportunidad para sa mga gaya niyang stage actor na madalas ay nasa gilid lang at hindi gaanong napapansin.

Matatandaan kasing si Cedrick Juan na isa ring taga-teatro ang nakasungkit ng “Best Supporting Actor” sa naturang awarding ceremony para sa natatangi niyang pagganap sa “GomBurZa”.

MAKI-BALITA: Cedrick Juan, inalay ‘Best Actor award’ sa mga Pinoy na nakararanas ng injustice

MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal