Inuulan daw ng batikos si Star for All Seasons Vilma Santos dahil sa hindi raw magandang interpretasyon na siya raw ang nagtulak kay Claudine Barretto na idemanda ang dating asawang si Raymart Santiago.

Pero sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Biyernes, Enero 5, nilinaw ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa bagay na ito.

“Ito po, mga kapatid, ay isang paglilinaw. Lahat naman po tayo ay nakasaksi siguro…tungkol dito sa interview na ‘to nina Luis at Claudine,” saad ni Cristy.

“Ikinuwento po ni Claudine na sila ni Vilma Santos ay super close maging si Edu Manzano. Tagapagligtas pa nga ang tawag niya sa maraming pagkakataon na down na down siya sa kaniyang buhay,” aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ayon kay Cristy, maaari daw na nagkuwento si Claudine kay Vilma tungkol sa mga pinagdadaanan nito sa buhay. At siyempre bilang anak-anakan, nagbigay siya ng payo kay Claudine na magtrabaho ito pero kunin daw dapat nito ang nararapat para sa kaniya.

“Hindi naman po siya nagsabi, ‘sige, Claudine, idemanda mo si Raymart. Bawiin mo ang mga kinuha niya sa ‘yo’. Wala pong ganoon,” sabi pa ni Cristy.

Kaya panawagan niya, ayusin daw ang mga ibinabatong salita kay Vilma dahil nalalagay ito sa sitwasyong hindi naman daw nito ginawa.

Matatandaang nagbigay ng ilang detalye si Claudine tungkol sa nakabinbing kaso sa pagitan nila ni Raymart nang sumalang siya sa “Luis Listens”. 

Nagbigay naman ng kontra pahayag ang panig ni Raymart kaugnay sa kontrobersiyal na panayam ng dating asawa.

MAKI-BALITA: Abogado ni Raymart, nagsalita kontra panayam ni Claudine kay Luis