“Apektado rin naman [ng brownout] ang buong Pilipinas dahil lahat tayo nagko-contribute sa ekonomiya. Hindi lang ‘yan ang dami na rin pong nagkakasakit kasi sobrang mainit,” pagdidiin ng kongresista na dati ring secretary ng Department of Health (DOH).
Bukod dito, aniya, nakaapekto rin sa ekonomiya at kabuhayan ng mga mangingisda at output-based work force ang malawakang power interruption sa rehiyon.
Nauna nang inihayag ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO), nasa ₱400 milyon hanggang ₱500 milyon ang nawawalang kita sa rehiyon kada araw dahil sa power interruptions.
Matatandaang sinisi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa pagkabigong gumawa ng hakbang upang maiwasan sana ang blackout.