Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ng insentibo ang pinakamalinis na lugar sa bansa.
“Inaanyayahan ko kayong lahat na dumalo at sumali sa mga pagkilos, pagtitipon, at pagpapasinaya ng National Community Development Day ngayong darating na ika-6 ng Enero. That day is neither new or novel. Three Presidents before me have issued a proclamation encouraging our people to mark it in ways that best underscore the timeless ideals that community development hopes to achieve,” pahayag ni Marcos nitong Biyernes.
Dahil dito, inobliga ng Pangulo ang mga bagong talagang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials na linisin ang mga kalsada, kanal, palengke, at paaralan sa kanilang nasasakupan.