Posibleng parusahan ng pamahalaan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at operators ng ilang power plants kasunod na rin ng naranasang blackout sa Western Visayas nitong Enero 2.

Sa pahayag ni Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Monalisa Dimalanta nitong Sabado, Disyembre 6, pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibleng parusa laban sa NGCP at power plant operators habang iniimbestigahan ang insidente.

Pinamumunuan aniya ng Interim Grid Management Committee ang imbestigasyon.

Aniya, hinawakan din ng naturang technical group ang imbestigasyon sa naranasang power interruption sa rehiyon noong Abril 2023.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Nangangalap pa aniya sila ng impormasyon upang maliwanagan sa insidente bago gumawa ng anumang hakbang.

“Ongoing pa po kasi iyong investigation pero so far po, ang nakita natin…nabanggit na rin naman po ng DOE (Department of Energy)  kasi po pare-pareho po kami so far ng datos na nakikita. By next week, mayroon na po kaming additional na documents/additional information kasi po nakalap na namin lahat. Then hopefully mas magkaroon tayo ng paglilinaw,” sabi ni Dimalanta sa press conference sa Quezon City nitong Sabado.

“Kasi hindi po natin basta in-e-excuse ang mga planta. Kasi sa anim na planta, meron po ba dun na hindi nag-maintain. Kapag ganun, may penalty din po siya. Hindi lang NGCP," dagdag pa ng opisyal.