Guests ng social media personality na si Viy Cortez at partner na si Cong TV ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada sa kaniyang latest vlog na "lie detector test."

Sasagutin ng mag-asawa ang mga tanong nila sa isa't isa at sa pamamagitan ng lie detector machine ay malalaman kung nagsisinungaling o totoo ba ang sagot nila.

Isa sa mga natanong ni Alex kay Mikee ay kung sinisi ba siya nito at nagalit sa kaniya nang malaglagan siya ng pinagbubuntis o miscarriage.

“Noong nag-miscarriage tayo, sinisisi mo ba ‘ko?” tanong ni Alex.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Hindi,” mabilis na sagot ng mister.

“Nagagalit ka sa’kin?” sundot pa ng misis.

“Hindi,” sagot ni Mikee.

Napa-wow na lang si Alex nang lumabas na "Truth" ang sinasabi ni Mikee batay sa polygraph test.

“Hindi mo naman kasalanan ‘yon eh,” paliwanag ng konsehal.

Napa-I love you na lang si Alex sa kaniyang mister dahil sa paliwanag nito.

Matatandaang ibinahagi ng mag-asawa na dalawang beses na silang nalalaglagan ng anak.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, ibinahagi mga natutunan sa nagdaang miscarriage