Dahil tuluyan nang namaalam si Mokang sa FPJ’s Batang Quiapo, may mensahe ang aktres na si Lovi Poe kay “Tanggol” at kay Coco Martin.

Sa kaniyang Instagram post nitong Enero 4, nag-post siya ng isang tribute message para sa bumubuo ng naturang teleserye.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI-BALITA: Lovi Poe, namaalam na sa Batang Quiapo

Syempre, hindi mawawala ang message ni Mokang para kay Tanggol.

“To my dearest tagapagTANGGOL, maybe in another life? 😉” ani Lovi. Dahil hindi na nga sila magkakatuluyan pa.

Bukod dito, may mensahe mismo si Lovi para sa kay Coco na siyang partner nito at direktor ng teleserye.

Nagpasalamat ang aktres kay Coco dahil sa pagpapatuloy nito ng legacy ng kaniyang ama na si Fernando Poe, Jr.

“Direk Coco, my dad’s legacy is in great hands. Salamat at pinagpapatuloy mo,” aniya.

“Coco, I will always be one of your biggest fans. Please try to get some sleep.♥️” dagdag pa ni Lovi.