Nagpaabot ng mensahe ang Kapamilya actor na si Enrique Gil sa dati niyang ka-love team na si Liza Soberano.

Kaarawan kasi ni Liza kaya binati siya ni Enrique sa Instagram account ng huli nitong Huwebes, Enero 4.

“Happy birthday our dear Hopie!!! I’ll always have your back no matter what,” saad ni Enrique.

Dagdag pa niya: “Wish I was there to celebrate your special day.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ni-repost naman ni Liza sa kaniyang Instagram story ang naturang pagbati para pasalamatan si Enrique.

“Thank you! Forever grateful for you,” ani Liza.

Matatandaang noong nakaraang taon ay kumalat ang bali-balitang hiwalay na umano sina Liza at Enrique.

MAKI-BALITA: ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

Matapos ito ay nagbigay ng pahayag si Enrique tungkol sa nasabing isyu.

MAKI-BALITA: Enrique Gil, nagsalita tungkol sa tunay na estado nila ni Liza Soberano