Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Navy (PN) ang 120 pasahero ng nasiraang lantsa sa Isabela City, Basilan kamakailan.

Sa report ng PN, nagresponde ang mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa karagatang malapit sa Lampinigan Island matapos matanggap ang impormasyon kaugnay sa nagkaaberyang bangkang Den Russel nitong Enero 2 ng umaga.

Naiulat na patungo na sana sa Zamboanga City ang bangka mula sa Dungon, Banguingui, Sulu nang biglang mamatayan ng makina.

Kabilang sa nagsagawa ng rescue operation ang BRP Ivatan ng PN.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos matiyak na nailigtas na ang lahat ng pasahero, kaagad na hinila ang bangka patungong Naval Station Romulo sa Zamboanga City kung saan inayos ang makina nito.

"Your Philippine Navy, together with other Local Government Units and maritime law enforcement agencies like the Philippine Coast Guard and Maritime PNP, always remind seafarers to ensure the integrity and safety of their vessels before their voyage," panawagan naman ni NFWM commander, Rear Admiral Donn Anthony Miraflor.