Puspusan na ang power restoration activities sa Panay Islands, ayon sa pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ay upang tuluyan nang maibalik ang suplay ng kuryente sa Western Visayas na naapektuhan ng malawakang brownout kamakailan.

Ang malawakang power outage ay resulta ng nangyaring power plant tripping sa tatlong pinakamalaking power-generating units sa isla, kabilang na ang Palm Concepcion Power Corporation (PCPC) na may kapasidad na 135 MW (megawatts) at Panay Energy Development Corporation (PEDC) Unit 1 at 2 na parehong may kapasidad na 83 megawatts (MW), dahil na rin sa grid voltage imbalance nitong Enero 2.

Binanggit ng NGCP, lalo pang lumala ang sitwasyon dahil sinabayan pa ito maintenance shutdown ng PEDC Unit 3 (150 MW).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa 232 MW na ang nai-su-supply na kuryente ng mga planta sa Panay habang aabot naman sa 15 megawatts ang mula sa ibang bahagi ng Visayas para sa kabuuang 247 MW loads.

Idinagdag pa ng NGCP na mangangailangan pa ng 300 MW upang maibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa Visayas grid.