Itinalaga ni Pope Francis si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis bilang apostolic administrator ng Diocese of Pagadian.

Sa ulat ng CBCP nitong Huwebes, Enero 4, nangyari ang pagtalaga kay Archbishop Jumoad nitong Miyerkules, Enero 3.

Ito ay isang araw matapos ang pagpanaw ni Bishop Ronald Lunas, na nagsilbi sa Mindanao diocese nang halos limang taon.

Yumao raw si Bishop Lunes noong Enero 2 sa isang pampublikong ospital sa Davao, ilang araw matapos daw siyang isailalim sa heart bypass operation.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Ayon sa Diocese of Pagadian, nagtamo ang obispo ng mga “komplikasyon” matapos ang surgery, dahilan daw ng kaniyang pagpanaw.

“Lunas’ funeral Mass is scheduled for Jan. 11 at the Sto. Niño Cathedral in Pagadian City, where he will be buried beside the church,” saad ng CBCP.

Samantala, nanawagan ng dasal si Archbishop Jumoad para sa karagdagan daw niyang tungkulin bilang bagong apostolic administrator ng Diocese of Pagadian.

“I hope you truly pray for me. Please include me in your daily prayers,” ani Archbishop Jumoa sa ulat ng CBCP.

Nagsilbi raw ang arsobispo bilang Ozamis archbishop mula noong 2016.