Ipinaliwanag ni Lt. Commander Christopher Calvo, acting commanding officer ng BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Alcaraz, limang beses silang nagpapadala ng radio challenge sa guided-missile destroyer na Hefei (174) at sa isa ring guided-missile frigate na Huangshan (570) ng People's Liberation Army Navy (PLAN) ng China.

Binubuntutan aniya ng dalawang Chinese vessel, ang BRP Alcaraz, BRP Gregorio del Pilar at BRP Davao del Sur habang naglalayag, kasama ang mga barko ng U.S. na Aircraft Carrier USS Carl Vinson, Ticonderoga-class guided-missile cruiser USS Princeton (CG 59), Arleigh Burke-class guided-missile destroyers USS Kidd (DDG 100), at USS Sterett (DDG 104) sa idinaos na ikalawang Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Gayunman, hindi umano tumugon ang dalawang barkong pandigma ng China.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Hindi na rin hinarang ng dalawang Chinese warships ang mga barkong kalahok sa joint maritime patrol, ayon pa kay Calvo.