Hindi mangyayari ang pinangangambahan ng transport group na aabot sa ₱50 ang pamasahe sa modernong jeepney, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa panayam sa radyo, binanggit ni LTFRB chief Teofilo Guadiz III, imposible ang pagtaya ng commuters group dahil tiniyak na nito sa publiko na hindi magkakaroon ng pagtaas ng pamasahe sa makabagong jeepney kaugnay sa isinusulong na public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng gobyerno.

Kailangang aniyang magsagawa ng pag-aaral sa iba’t ibang sektor sa pagbuo ng mga projection ng pagtaas ng pamasahe.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Idinahilan ni Guadiz ang mga pagtatasa tulad nito ay dapat na suportahan ng datos upang hindi magdulot ng alarma sa publiko, lalo na sa commuters.

Nauna nang ipinaliwanag ni Commuters group chairman Julius Dalay, inaasahang tataas ang pamasahe sa modernong jeepney dahil na rin sa laki ng amortization ng mga operator sa pagbili ng mga makabagong jeepney.