Nagbigay ng komento ang social media personality na si Xian Gaza sa ilong ng TV host-actress na si Alex Gonzaga.

Sa Facebook post kasi ni Xian nitong Miyerkules, Enero 3, sinabi niya na may mapapansin daw kapag naglakad-lakad sa Thailand.

“'Pag naglakad-lakad ka dito sa Thailand, mapapansin mo na pare-parehas yung ilong ng mga ladyboy. Same same nung bagong ilong ni Alex Gonzaga,” ani Xian.

“Ang ganda ganda na niya eh, sinira pa,” saad naman niya sa comment section ng kaniyang post.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa niya: “Walang masama sa pagpaparetoke as long as mas gaganda ka, in the first place yun ang pinaka-purpose ng cosmetic surgery.”

Matatandaang kamakailan lang ay ibinida ni Alex ang kaniyang pagpapa-nose job. Matagal na raw kasi niyang naiisip itong gawin.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, nagpa-nose job: ‘Ako lang ‘to!’

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alex tungkol sa sinabing ito ni Xian.