Nakakainggit ang mga taong kahit mag-gain weight, ang bilis ding makabawi at ilang buwang pagda-diet at exercise lang, "balik-alindog" na kaagad.

Kagaya na lamang ni "Linlang" star Paulo Avelino matapos niyang ibida ang naganap na body transformation sa kaniyang pangangatawang chubby, hanggang sa maging hunk na ulit at may pa-abs pa.

"My 2023 in a nutshell," ani Paulo sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Enero 3.

"#Linlang coming to free tv this January 2024," aniya pa.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Marami kasi ang nakapansing tila tumaba raw si Paulo sa serye, pero ito pala ay bahagi ng kaniyang karakter bilang si Victor.

Talagang nagpataba raw si Paulo para bumagay sa hinihinging katangian ng kaniyang ginagampanan.

Pagkatapos daw nito, agad na nagpapayat si Paulo dahil kailangan din ito sa karakter ni Victor, na eventually ay nagbalik-alindog matapos lokohin ni Juliana (Kim Chiu).

Matinding diet, exercise, at disiplina sa sarili ang ginawa ni Paulo para mapanumbalik sa dati ang kaniyang katawan.

Kitang-kita naman ito sa ginanap na media conference ng Linlang sa Quezon City bago pa ito umere sa Prime Video at maging hit.

Kaya naman puring-puri at pogi points ito kay Paulo, dahil higit sa pagiging fit and yummy, kitang-kita ang dedikasyon niya sa kaniyang trabaho at propesyon bilang isa sa mahuhusay na aktor ng bansa.

Talagang layag na layag na silang dalawa ni KIm Chiu lalo't sila ang magbibida sa Philippine adaptation ng sikat na Sout Korean drama na "What's Wrong with Secretary Kim."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Para kay Kim ba 'yan, lodi? Yummy mo!"

"Grabe naman yan Pau.. Kakainlove ka lalo.. "

"Parang sa gym ka na tumira ha..."

"Galing naman ng transformation, at dedication. #Linlang."

"Fitspiration talaga Pau! Can't wait sa #KimPau."