'Kabayan' victims sa Surigao del Sur, Dinagat Islands inayudahan na!
Binigyan na ng ayuda ng pamahalaan ang mga residente ng Surigao del Sur at Dinagat Islands matapos maapektuhan ng bagyong Kabayan nitong Disyembre 2023.
Sa Facebook post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), bago pa pumasok ang 2024, namahagi na sila ng family food packs sa mga local government unit sa Surigao del Sur at Dinagat Islands.
“About 15,956 FFPs were released as an augmentation to the LGUs as of the end of December last year for the families affected by TS Kabayan,” anang DSWD-Region 13.
Matatandaang hinagupit ng bagyo ang ilang bahagi ng Surigao del Sur at Dinagat Island nitong Disyembre 18.
Nasa 1,401 food packs ang ipinamahagi sa Bayabas, 1,794 naman sa Cagwait, 2,090 naman sa Cantilan, 774 sa Carmen, 4,387 sa Lianga, 3,320 sa San Agustin at 2, 035 sa Tago sa Surigao del Sur.
Umaabot naman sa 155 food packs ang ipinamahagi sa Libjo, Dinagat Islands nitong Disyembre.
PNA