Sumalang sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, Enero 2, 2024 sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio na bibida sa upcoming seryeng "Makiling" na mapapanood sa afternoon slot ng GMA Network.

Dito ay natanong ni Boy si Derrick tungkol sa mga alinlangan ng mga tao tungkol sa kaniyang sexuality.

Nilinaw naman ni Derrick na hindi siya gay, at nadidismaya siya sa mga taong ginagawang insulto ang pagiging bakla.

"Mas bothered ako sa fact na — bakit ginagamit nila na pang asar ‘yong pagiging bakla? Eh, wala naman masama do'n," ani Derrick.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Siguro, kailangan mas maging open minded na ang mga tao ngayon na, hindi masama, hindi okay ‘pag gagamitin mong pang asar ‘yong pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit. Kasi there’s no such things eh, illusion lang ‘yon ng mga tao," aniya pa.