Laglag daw si Kapamilya star Daniel Padilla sa Top 10 Kapamilya Artist Biggest Achievers para sa taong 2023.

Ayon sa host ng Marites University na si Ambet Nabus, nakakagulat daw na malamang wala si Daniel sa nasabing listahan.

“Kasi ‘di ba bago mag-end itong 2023, talagang nagkaroon ng Top 10 na mga Kapamilya artist na…ang pinagbasehan nila ay ‘yung mga projects na ginawa, sa box office, ‘yung mga endorsement, at saka ‘yung na-gather nila or na-gain nila, na-generate nila sa mga social media engagement,” saad ni Ambet.

Pagkatapos, isa-isang binanggit ng host ang mga nakapasok sa Top 10. Narito ang kabuuang listahan ng mga Kapamilya artist na may pinakamalaking na-achieve noong 2023:

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Top 1 - Kathryn Bernardo

Top 2 - Vice Ganda

Top 3 - Coco Martin

Top 4 - Kim Chiu

Top 5 - Anne Curtis

Top 6 - Regine Velasquez

Top 7 - Andrea Brillantes

Top 8 - Sarah Geronimo

Top 9 - Joshua Garcia 

Top 10 - Donny Pangilinan, Belle Mariano

“Parang tama naman ‘yung mga nasa Top 10. Talaga namang maingay. Relevant ngayong taong ito,” sagot ni Rose Garcia nang tanungin siya ng co-host niyang si Ambet.

“Saka wala naman yatang project si Daniel this year,” segunda naman ni Jun Nardo.

Kaya apela ni Ambet sa fans ni Daniel, tulungan daw ang aktor na makaangat ngayong 2024.

Tila hindi naging maganda ang 2023 para kay Daniel. Matatandaang bago pumasok ang Disyembre noong nakaraang taon ay kinumpirma nila ni Kathryn ang bali-balitang hiwalay na umano sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang social media account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: ‘Nakakaput*ng-ina, ako’y iniwan mo sa ere:’ Shocking showbiz breakup ng 2023