Nasa mahigit 179,000 turista ang dumagsa sa Boracay Island nitong Disyembre 2023.

Ito ang isinapubliko ng Malay-Boracay Tourism Office nitong Miyerkules, Disyembre 3, at sinabing bahagi lamang ito ng mahigit dalawang milyong turistang nagbakasyon sa isla nitong nakaraang taon.

Kasama sa naturang bilang ang 134,396 domestic tourists at mahigit 42,000 naman ang foreign visitors.

Inihayag naman ni Malay-Boracay Tourism Office chief Felix delos Santos sa isang radio interview, mahigit din sa 20,000 turista sa naturang isla ang nakilahok sa pagdiriwang sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Tourism

Direct flights mula 'Pinas patungong Paris, posible na sa Disyembre!

Binanggit pa na unti-unti nang bumabalik ang sigla ng turismo sa isla katulad ng naitala nila bago magkaroon ng pandemya sa bansa.