‘Inangkin’ na ni Lie Reposposa at afam niyang jowa na si Paul Joshua Marsden ang taong 2024.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Enero 1, ipinost niya ang picture nila ng kaniyang afam.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“This 2024 amin tong taon na ito #Paulielangmalakas,” saad ni Lie sa caption.

Dahil sa naturang post, tila tumawad ang mga netizen na baka puwede raw ay sa kanila ang birthday nila.

“PWEDE PAHIRAM NG OCT 19? BIRTHDAY KO YUN EH”

“Ah ganun. Pwes AKIN ANG APRIL. Birthday ko un buong month”

“Basta akin ang August 29,wag kayo makasarili Hatian niyo iba”

“Sakin na yung January pati July .. wag kang gahaman”

“Kapapasok palang ng 2024 nagdadamot ka na agad!”

“pahiram po ng May 14 birthday ko po kasi 'yon e”

“Sige, basta akin 'yung February 10 ah. Birthday ko kasi”

pahiram naman po September magbibirthday lang”

pahiram ako ng Oct 28 te ah, birthday ko kasi yun e”

Kahit yung may 1 nalang po akin, inyo na lahat ng araw Birthday ko kasi yun eh.”

Habang isinusulat ito, umabot na sa mahigit 12K reaction, 1.2K comments, at 29K shares ang naturang post ni Lie.