Nasa huling dalawang linggo na lamang daw ang seryeng "Lovers and Liars" na collaboration project ng GMA Network at Regal Entertainment kung saan isa sa cast members ay si Optimum Star Claudine Barretto.
Ito ang comeback series ni Claudine matapos ang kaniyang pamamahinga sa paggawa ng teleserye, at muli niyang pagbabalik sa Kapuso Network matapos mabakante rito ng ilang taon.
Bukod kay Claudine, kabilang din sa serye sina Christian Vasquez, Polo Ravales, Lianne Valentine, Shaira Diaz, Kimson Tan, Yasser Mata, at Star Magic artist na si Michelle Vito.
Bahagi rin nito ang kontrobersiyal na Kapuso actor na si Rob Gomez.
Nagtataka naman ang mga netizen at manonood kung bakit ang bilis matigbak sa ere ng serye gayong kasisimula pa lamang nito noong Nobyembre 20.
Ang mga netizen kasi, ginagawang hint ang mabilis na pagtsugi ng isang serye sa pakahulugang hindi ito pumapalo sa TV ratings, hindi pumatok, o hindi kinagat ng mga manonood.
Although ang paliwanag dito ng mga nagtatanggol, maganda nga raw iyon dahil mabilis matapos ang isang proyekto kagaya ng K-dramas, at mas maraming chance na magkaroon ulit ng bagong aabangan, plus mas maraming artistang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng work, work, work.
Anyway, marami naman sa mga netizen ang tila "nanghihinayang" daw kay Claudine dahil ito nga ang comeback na sana ng isa sa mga itinuturing na Queen ng Teleseryes alongside Judy Ann Santos sa kanilang kapanahunan.
Ineexpect kasi ng mga manonood na tumatagal-tagal pa ang serye kahit siguro dalawang season lang o katumbas ng anim na buwan, o mahigit pa.
Bakit daw kasi ang "Abot Kamay na Pangarap" ni Jillian Ward sa panghapon ay tuloy-tuloy pa rin at na-eextend.
Isa pa, nagtataka ang mga netizen kung bakit nilipat pa ng time slot ito at inilagay sa 10:05 ng gabi. Matapos kasi ang Black Rider, ang kasunod nito ay "Kapuso Primetime Cinema" mula Lunes hanggang Huwebes at "Amazing Earth" naman ni Dingdong Dantes sa pagsapit ng Biyernes.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Grabe bakit napunta naman sa late slot ang Lovers & Liars? Eh pwede naman ito sa second slot lalong-lalo na maganda naman ang story nito hayst sayang lang. kakaunti na makapanonood sa ganyang oras."
"Nalipat ng bagong timeslot ng Lovers & Liars. Grabe ka talaga."
"Mas Pinili ni claudine yung Lovers Liar hahaha aun late night na xa ngayon tapos last 2 weeks.. samantala ung CBML ng donbelle namamayagpag sa ratings.."
"Anyare GMA 7. You all have the capacity to produce quality shows. May franchise pa kayo. ABS-CBN walang franchise pero patuloy na nagpoproduce ng quality and world-class shows."
View this post on Instagram
Ngunit mismong mga netizen na rin ang nagpaliwanag na may bagong serye kasi ang GMA sa darating na Enero 15 kaya pansamantala lamang ang fillers.
"I think pansamantala lang yan. Dahil hindi pa tapos ang mga seryeng nakaline up for primetime."
"Maganda naman ang Lovers and Liars ah but tatapusin haha!"
"Sayang yung Lovers & Liars. Okay naman siya. Deserve isunod na lang sa Black Rider, pero for sure mataas pa rin ratings ng movies kasi. So mas malaki kita."
Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang GMA o ang mga taong nasa likod ng serye tungkol dito.