Umani ng samu’t saring reaksiyon ang ginawa ni Kapuso Star Gabbi Garcia sa kaniyang inang flight attendant.

Sa Instagram post ni Gabbi noong Biyernes, Disyembre 29, matutunghayan ang throwback video ng flight niya papuntang Canada kasama ang jowang si Khalil Ramos.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

View this post on Instagram

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

“Throwback to our flight going home from Canada with @flypal about a month ago. My mom before being promoted as a flight purser with one of her most demanding, most difficult, and most loved passengers, ME 😅😩🤣” saad ni Gabbi.

Dagdag pa niya: “Nadamay pa si @khalilramos wahahaha! love you mom @lopeztes!!! Lol!! here’s to more flights with you! 🙈”

Hindi naman napigilan ng mga netizen na magbahagi ng kanilang reaksiyon sa nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Taking the opportunity na mang-utos ng nanay 😂😂😂”

“inutusan ang nanay haha”

“Sooooo adorable”

“Grabe to❤️😀”

“Kakaiyak. What a special moment 💖”

“Kyoooot❤️”

“Heeeeh! How lucky to be in your moms flight!”

“Now we know why you are hardworking and loving your craft. Just like your Mama!😍❤️”

“hahahaha ‘effective ba ang utos hanggang bahay’ - crazy @gabbi”

“Hahahahahahahha kilos kana dun 😂😂😂”

“yung feeling nung "nakabawi rin ako, kaya dapat i-video’ HAHAHAHAHAHAHA @gabbi @lopeztes cutie!!!!”

“mana ka talaga sa mama mo, so beautiful! mother & daughter😍”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 357k ang heart reaction ng post ni Gabbi.