Lubos ang pasasalamat ni Megastar Sharon Cuneta sa mag-inang sina Zsazsa Padilla at Karylle dahil sa pagsasaayos ng dalawa sa block screening ng “Family of Two (A Mother and Son’s Story)” na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival. 

Sa Instagram post ni Sharon nitong Biyernes, Disyembre 29, makikita ang mga larawan niya kasama ang mag-ina.

“Thank you to one of my oldest and dearest friends, my best friend Shing @zsazsapadilla and to my baby K @anakarylle , for arranging the block screening earlier at Shang for our little film that we are so proud of, ‘Family of Two’,“ pahayag ni Sharon.

Dagdag pa niya: “Thank you so much to everyone who came this morning, I love you and appreciate you all so much!”

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Binati naman si Sharon at pinuri ang kaniyang pelikula ng mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“congrats po pra s aakin ikw po ang best actress at si alden ang best actor..”

“It’s worth every penny and time♥️”

“Congrats 😍”

“Thank you din po sa pag samang manuod kninaaaa!! Galiiiing!! Congrats po 🥳🫶🏻”

“Done watching na po ate..Good movie,may story talaga & nakakaiyak po..”

“Congrats po ate 👏👏👏”

“Congratulations!!🙌🙌🙌”

Matatandaang bagama’t walang nasungkit na award ang Megastar sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal, nakuha naman ng kaniyang co-star na si Miles Ocampo ang Best Supporting Actress.

MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal