Naiyak si Gavin Capinpin o mas kilala bilang “Ser Geybin” sa pagkikita nila ng kaniyang kapuwa social media personality na si Lincoln Cortez Velasquez na mas kilala naman sa tawag na “Cong TV.”

Sa latest vlog ni Ser Geybin nitong Huwebes, Disyembre 28, sinabi niyang si Cong daw ang dahilan kung bakit pinasok niya ang pagba-vlog.

“50 to 60 percent siya ang dahilan kung bakit ko pinasok ‘yung platform na ‘to, ‘yung scene na ‘to, ‘yung pagba-vlog na ‘to. Siya ang pinakamalaking dahilan kaya po ako nagkakaganito ngayon,” pahayag ni Ser Geybin.

“Pero kung mapapansin n’yo, hindi ko sinasabi sa vlog ko na ‘idol ko siya’ ganyan. Kasi mayroon po akong pangarap na gawin sa pagkikita namin. Kasi sa kaniya ko natutunan ‘to, e…Akyat ka sa bubong and aim for the sky. And at least if you fall, you will fall on the roof not on the ground. Mataas ka pa rin,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa niya: “At ito ‘yung pangarap na ‘yun na kapag nagkita kami ni Sir Cong e gusto ko mayroon na akong ipagmamalaki sa kaniya. At sana makilala niya ako. At pangatlo sana hindi sinasadya ‘yung pagkikita namin. Gusto ko tadhana ang magsasabi ng pagkikita namin.”

Kaya naman nang mag-mensahe ang asawa ni Cong na si Viy Cortez kay Ser Geybin para imbitahan siya sa Team Payaman Fair, walang kaabog-abog na pumayag ang huli.

At nang magkita na nga ang dalawa sa event, doon na naging emosyunal si Ser Geybin matapos siyang kamayan at yakapin ni Cong.

Natuwa naman si Cong para sa success ng kaniyang kapuwa vlogger. Nakikita at nasubaybayan daw kasi talaga niya ang mga ginagawa nito.

Dumating din si Viy at kinamayan si Ser Geybin na umiiyak pa rin.