Itinanghal na Player of the Week ang matinik na point guard ng Ginebra na si Scottie Thompson sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner's Cup.

Nagpakitang-gilas si Thompson sa dalawang sunod na panalo ng Gin Kings kontra Meralco at TNT Topang Giga kahit kababalik lang nito sa aksyon matapos makarekober sa pamamaga ng kanyang tuhod.

Sa nakaraang dalawang laro ni Thompson, tumikada ito ng 16.5 points, 7.0 rebounds, at 7.0 assists kaya't itinanghal bilang Best Player of the Game.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kumubra kaagad si Thompson ng 21 points, pitong rebounds at pitong assists sa kanilang panalo laban sa Meralco, 110-96, nitong Disyembre 22.

Pinatumba rin ng Gin King ang Tropang Giga, 86-78, nitong Disyembre 25, kung saan naghulog si Thompson ng 12 points, pitong  rebounds at pitong assists.

Dahil sa sunud-sumod na panalo ng Ginebra, pumasok ito sa quarterfinals.