Sino kaya ang gwapong aktor na tinutukoy ni showbiz columnist Ogie Diaz na hiwalay na raw sa kaniyang napakagandang asawa?

Sa latest episode ng “Showbiz Update” nitong Huwebes, Disyembre 28, nagbigay si Ogie ng ilang detalye tungkol dito.

“Noong narinig ko ito, nalungkot ako,” panimula ni Ogie, “akala ko kasi, itong guwapong aktor na ito na ikinasal sa napakagandang babae, all along akala ko maayos ang kanilang relasyon.” 

“‘Di ba nakita pa natin sila sa isang event... Nakita natin silang dalawa?”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Nakita natin? Sino?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

Bumulong naman ang showbiz columnist sa kaniyang co-host para sabihin ang pangalan ng tinutukoy. 

“Oo, ang bongga! Kakaiba ‘yung outfit n’ong girl,” sabi ni Mama Loi matapos malaman ang detalye.

“All along I thought na okay pa rin sila. Na silang dalawa ay ini-enjoy muna ang isa’t isa habang hindi pa nagbubunga ang kanilang pagmamahalan kasi wala pa silang anak,” saad pa ni Ogie.

Pero ‘yun pala, inaayos na raw ng dalawa ang kanilang annulment noon pang pandemya habang nanatiling magkaibigan. 

Kaya sabi ni Ogie, siguro’y may mga ganoon talagang couple na mas makakabuti kung magkaibigan na lamang.

“Mayroon na ring nabalita noon na sila’y hiwalay na pero ito’y dinedma ng aktor. ‘Yung may ‘wala na daw kayo?’ Tapos ‘bye, guys’. Parang ‘we’re good, we’re good’ tapos umalis na siya,” ani Ogie.

Sa huli, hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye kung ano ang dahilan ng hiwalayan ng aktor at ng asawa nito. 

Pero ang mahalaga, maayos daw ang relasyon ng dalawa bilang magkaibigan.

Samantala, sa comment section ng YouTube channel ni Ogie, makikita na tila may ideya ang ilang netizens kung sino ang tinutukoy ng showbiz columnist sa blind item nito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Omg is it Echo and Kim? 😔 Anyhow thank you dahil lagi nyo Ako napapatawa!!! Happy new Year! With ❤ from Kuwait!!!”

“8:26 "echo" Jericho Rosales at Kim Jones ang blind item😂 actually una pa lang na nagdedetalye si mama ogs eh silang dalawa agad pumasok sa isip ko echo at kim, lalo lang napagtibay ng "gusto mo kong sumigaw? Para marinig mo" 😂😂😂

“Jericho “Echo” Rosales and Kim Jones. Got it mama Ogs😜”

“Yes feelinf ko sila”

“Hala kung true ito tama din cguro ng hinala ko noon pa na hindi sila magtatagal prang may emptiness sa mga mata nila kase.”

“Ahhhhhh......  it makes sense.”

“Same thoughts sila nga”

“same thought also.”

“Sila din hula ko…”

“Same here.”

Matatandaang noong nakaraang taon ay napaulat na ang tungkol sa hiwalayan nina Jericho Rosales at Kim Jones.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP ay hindi nakaligtas na itanong ito kay Jericho. Pero sa halip na sagutin, umiwas at tumawa lang ang aktor.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales, Kim Jones, split na rin? Intriga, tinawanan lang ng aktor

Makalipas ang ilang araw matapos ang nasabing panayam, pinutol ni Kim ang posibleng mabuong intriga sa relasyon nila ni Jericho nang mag-flex siya ng picture ng asawa sa Instagram para batiin ito sa ika-43 kaarawan nito.

MAKI-BALITA: Intriga ng hiwalayan, sinunog ng mag-asawang Jericho Rosales, Kim Jones

Taong 2014 nang ikasal sina Jericho at Kim sa isang garden wedding sa Boracay.