Tatanggap na ng tig-₱20,000 ang mga empleyado ng provincial government ng Nueva Ecija bilang service recognition incentive (SRI).

Ito ay nang aprubahan sa 50th regular session ng Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan ni Governor Aurelio Umali na paglalaan ng ₱37,540,000 para sa insentibo ng aabot sa 1, 877 empleyado.

Ang hakbang ay alinsunod sa Administrative Order No. 12 na inilabas ng Malacañang nitong Disyembre 7, 2023 at Circular No. 2023-2 ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Disyembre 13.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, hindi pa binabanggit ng pamahalaang panlalawigan ang petsa ng pamamahagi ng SRI.