May isiniwalat ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati tungkol sa arrangement ng anak nito sa asawang si Richard Gutierrez.

Sa ibinahaging Instagram post ni Sarah noong Lunes, Disyembre 25, makikita ang larawan niya kasama ang dalawang anak na sina Zion at Kai.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

View this post on Instagram

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Isang netizen naman ang sumingit sa comment section ng post at biglang nagtanong: “Pre recorded video ba to ? O nsa japantlgamga bata”

“(IG account name ng netizen), na kay Sarah sina zion at Kai.Live na Live with the family of Sarah.Co parenting sila ng tatay,” sagot naman ni Esther.

Photo courtesy: Screenshot from Esther Lahbati (IG)

Matatandaang kamakailan lang ay ipinahiwatig ng biyenan ni Sarah na si Annabelle Rama na hindi na nagsasama sa iisang bubong ang mag-asawa.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

Nabanggit din ni Annabelle ang tungkol sa pagpunta sa Japan para i-celebrate ang holiday season kasama ang kaniyang pamilya “except for one”—na hindi naman niya tinukoy kung sino.

Bago pa man ito, naging maugong na ang usap-usapang hiwalay na raw si Richard kay Sarah simula noong mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa kanilang mga picture sa Instagram.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag sina Richard at Sarah tungkol dito.