Hindi nakaligtas sa mata ng netizens ang Christmas outfit ni Erwan Heussaff dahil mukha raw itong kumot.

Sa Instagram, ipinost ng misis ni Erwan na si Anne Curtis ang family picture nila nitong Pasko. Kaya nga lang, matalas talaga ang tingin ng mga netizen dahil hindi nakaligtas sa paningin nila ang suot na damit ni Erwan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Anila, mukha raw itong kumot. Ang disenyo kasi ng damit ni Erwan ay halos katulad nga naman ng disenyo ng “Pambansang Kumot” ng mga Pinoy, na may colored stripes at flower prints.

Sa comment section ng nasabing post ni Anne, kuwelang nag-comment ang mga netizen.

“Kaya pala nawawala yung kumot ni mama, sinuot ni erwan”

“Erwan pakibalik po yung kumot ni Lola mapapalo na ako, inahanap na eh😅😂”

“Ung damit po no sir @erwan kumot namin nung mga bata kami 😅 Wag po kayo magagalit sakin, naalala ko lang po kabataan ko :)”

“Erwan ung kumot namin balik mo na need ko na labhan”

“Nasa sayo pala kumot ko kuya erwan🥴”

“Merry Christmas 🌲 pero @erwan pakibalik na kumot ni mama papagalitan ako nun 😢😂