Usap-usapan ang pagbida ng aktres na si Sarah Lahbati sa kaniyang mga litrato habang nasa background niya ang isang bagong-bagong sasakyan.

"Delivering gifts in style 🥰 @mazdaphilippines cx-5 turbo ❣️," mababasa sa caption ni Sarah.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

View this post on Instagram

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Sarah na nasangkot silang mag-anak sa vehicular accident subalit mapalad na walang nasaktan sa kanila.

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati at kaniyang pamilya, naaksidente

Sa comment section ay pinutakti ng mga netizen si Sarah na sinabihan siyang "waldasera" at "gastusera" sa pera ng mister na si Richard Gutierrez.

"YASSS! FLAUNT IT! 😂 ITAAS MO ANG BANDERA NATING MGA GASTUSERANG ASAWA! 🤣🙌🏻👏🏻"

"Kung may asawa ako gagastusin ko din pera niya. Bakit ba haha 🔥"

"Napaka gastadora mo gorl, parang ako 🥹🤭"

"waldas padin sa 2024 ganern ses hahahahahaha go lang ng go!! deserve mo yan ♥️"

"Tipid tipid dn po pag may time paparinggan ka na naman jan 😂😂😂😂😂😂"

Bagama't may mga umokray, may mga nagtanggol din naman kay Sarah lalo't hindi naman sigurado kung pera nga ba ng mister na si Richard ang ginamit niyang pambili ng bagong sasakyan o sarili niyang pera, lalo na ngayong maugong ang mga espekulasyong hiwalay na ang dalawa, batay na rin sa mga nabitiwang pahiwatig ni Annabelle Rama, nanay ni Richard Gutierrez at biyenan ni Sarah.

"Yesss deserved ng wifey magwaldas🙌Nagwawaldas nga ang mga skabetche mag legal wife pa kaya duh!!!"

"Deserve mo 'yan, don't mind your bashers lalo na kung wala naman silang ambag sa pambili."

"Sus wala pa yan sa mga sasakyan ng asawa nya—jeep, land cruiser atbp—kaya di ako naniniwala gastador si Sarah."

"Go beautiful momma! Raise your glass! 🍷"

"Kung may asawa ako gagastusin ko din pera niya. Bakit ba haha 🔥."

"Hahahahhha pikon nnaman ung bruhang kala mo di ginagastos pera ni Eddie."

"Yeheyy,so unbothered pretty angel❤️Merry Christmas @sarahlahbati 🥂🤍

Sa latest update, kamakailan lamang ay nasabi ni Cristy Fermin sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Now Na" na mukhang mauuwi na sa annulment ang kasal nina Richard at Sarah.

MAKI-BALITA: True ba? Sarah may third party pero hindi raw lalaki

MAKI-BALITA: ‘Patay ka sa biyenan mo!’ Sarah, nag-flex ng mga mamahaling gamit