Nagbigay ng saloobin si “Kapuso Primetime Queen” Marian Rivera sa hiwalayan nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Sa panayam kasi ni Korina Sanchez nitong Sabado, Disyembre 23, kina Marian at sa asawa nitong si Dingdong Dantes, inusisa ang mag-asawa tungkol sa KathNiel.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“You don’t have to answer this question but everybody’s talking about it anyway. Kathryn and Daniel were so young when they got together. And ang bata-bata pa nila and first girlfriend, boyfriend,” ani Korina.

“Ina-analyze n’yo ba ‘yun ‘pag kayo nag-uusap ‘yung nangyari kay Daniel Padilla and Kathryn Bernardo?” tanong pa niya.

“Well, siguro hindi ina-analyze kasi kaibigan ko si Kath, e. So, minsan kasi ang hirap i-compare o mag-judge tayo agad-agad,” sagot ni Marian.

“Pero palagi ko ngang sinasabi siguro maganda talaga na ‘yung perfect timing ‘yung matured na kayo parehas,” pagpapatuloy niya.

Samantala, bago pa man mapunta ang usapan tungkol sa KathNiel, napag-usapan din sa panayam ang tungkol sa love team in general. 

At para kay Dingdong, naniwala siya na nakatulong daw na nagsimula ang love team nila ni Marian noong panahon na pareho na silang mature.

“Kung mas maaga sana siguro kaming naging magka-love team tapos nagkaroon kami ng relationship, feeling ko ‘di rin kami tatagal,”

Ayon kay Dingdong, late 20s na siya noong maging magka-love team sila ni Marian na noo’y nasa mid 20s naman.

Kaya kung ikukumpara sa KathNiel, masyado ngang maaga. Matatandaang pareho pa silang teeanger nang itambal sila sa isa’t isa noong 2012.

MAKI-BALITA: ‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon