May hamon ang mga netizen kay Kapuso beauty queen-turned-actress Bianca Manalo hinggil sa naging opisyal na pahayag niya nang madawit sa "Magandang Dilag" leading man na si Rob Gomez.

Bukod sa leading lady ni Rob sa serye na si Herlene Budol, isa rin si Bianca sa babaeng nauugnay ngayon sa aktor, sa kabila ng relasyon nito kay Sen. Sherwin Gatchalian.

Pinutakte kasi ng mga netizen ang screenshot ng mensahe raw ni Bianca kay Rob na pinapupunta niya ito ng "early 7am" sa kaniyang tinutuluyan sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Minalisya ng mga netizen ang isang pangungusap sa chat na "He's not here. Here's in Valenzuela" na tumutukoy raw sa senador; meaning to say, pinapupunta niya raw si Rob sa kaniyang tinutuluyan habang wala ang karelasyon.

Pero sa inilabas na pahayag ni Bianca, sinabi niyang magdadala lang daw ng Christmas gift sa kaniya si Rob, bagay na ginawan na raw ng malisya sa social media.

“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport,” saad ni Bianca.

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations,” aniya.

Dagdag pa ni Bianca, nakasakit umano sa kaniya at sa pamilya niya ang mga akusasyong wala namang malinaw na basehan. Kaya sana ay matapos ang kontrobersiyang ito upang ma-enjoy niya ang bakasyon sa Japan kasama ang kaniyang pamilya.

“Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone,” saad pa niya.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez

Sey naman ng mga netizen, kung talagang Christmas gift ang pakay ni Rob, bakit hindi raw niya ipakita ang buong screenshots ng conversation nila.

May mga nagsasabi pang "palusot" lang daw ito dahil kung magbibigay lang daw ng Christmas gift, puwede naman daw ipadeliver na lamang.

O kung magkikita naman daw talaga, bakit daw kailangang wala si Sen. Gatchalian.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Kwento nya yan e, paniwalaan nalang natin."

"Paano mo ipapaliwanag ung He's not here. He is in Valenzuela."

"Buking na palusot kpa"

"explain mo yan sa sinto sintong baliw na kahapon lg pinanganak"

"Wrong move sana nanahimik nalang"

"Labas mo nga buong ss nang magkaalaman?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Bianca patungkol sa hamon sa kaniya ng mga netizen.

Si Sen. Win naman ay tila unbothered sa mga isyu at nag-post pa sa Instagram na walang fake news daw ang makapagpapatibag sa relasyon nilang dalawa ni Bianca.

MAKI-BALITA: Relasyon nina Sen. Win, Bianca ‘di matitibag ng fake news