Timeout muna sa pagbabantay ng karagatan ang ilang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos mamahagi ng mga regalo sa mga bata sa San Jose, Occidental Mindoro nitong Disyembre 24.

Bukod sa pamimigay ng mga regalo, nagsagawa rin ng feeding program ang mga tauhan ng Coast Guard Station sa Occidental Mindoro sa Barangay Caminawit.

Paliwanag ng PCG Station sa naturang lalawigan, ang naturang humanitarian initiative ay nagbigay-saya sa mahigit 100 bata, karamihan ay anak ng mga katutubo.

Binanggit pa ng Coast Guard, nais lamang nilang ipadama sa mga bata ang tunay na diwa ng Pasko, kahit sa munting paraan.

Probinsya

Freedivers, inatake ng barracuda sa Batangas

Ang mga nasabing bata ay tumanggap ng mga laruan, libro, iba pang school supplies at mga bagong damit.

Sinabi pa ng PCG na hindi magtatagumpay ang event kung wala ang suporta ng PCG Auxiliary 506th Squadron.